Sabado, Marso 30, 2013

WIKA

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.

Kahalagahan

Kung wala ang wika, mawawalan ng saysay ang halos lahat ng gawain ng sangkatauhan, sapagkat nagagamit ito sa pakikipag-ugnayan katulad ng sa pakikipagkalakalan, sa diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan, at pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa agham, teknolohiya at industriya.

Etimolohiya

Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language – tawag sa wika sa Ingles – nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang “dila“, sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang “wika” – sa malawak nitong kahulugan – ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.[1]
Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita. (Tingnan ang mga sining na pangwika). Subalit kabilang din rito ang pagsusulat, mga wikang pasenyas, larangan ng musika, sining ng pagpipinta, pagsasayaw, at maging ang matematika. “Wika” ang lahat ng mga ito kung gagamitin ang malawakan na kahulugan ng wika.[1] Sa ilang pagkakataon, tinatawag ding dila (piguratibo), salita, diyalekto, o lingo (sariling-wika ng isang grupo, [bigkas: ling-gow, mula sa Ingles]) ang wika.

Kasaysayan at teorya

Hindi lubos na nalalaman kung saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng wika. Subalit mayroong mga hinuha at kuru-kuro ang mga dalubhasang nagsipagaral ng paksang ito. Isa sa mga teoryang ito ang nagsasabing “ginaya ng mga sinaunang tao ang mga tunog na narinig niya sa kalikasan.” Halimbawa ng mga tunog na ito ang mga kahol ng mga asong-gubat o ng mga bumubukal na sapa. Dahil sa iba’t ibang interpretasyon o gawi sa paggaya ng mga “tunog ng kalikasan” na ito kaya nagkaroon ng maraming mga wika sa mundo.[1]
(http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Wika)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ano ang saloobin mo sa nabasang mong lathala sa blogsite na ito?