Sabado, Marso 30, 2013

MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG FILIPINO


MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG FILIPINO
MGA POSIBLENG SOLUSYON SA BAWAT SULIRANIN
1.   Oras na itinakda para sa asignatura.

·        Higit na makakatulong sa guro at sa mga mag-aaral ang magkaroon ng sapat na oras sa pagtuturo/pag-aaral upang maisakatuparan ang layunin sa pagtuturo sa araw na iyon.
·        Sa kasalukuyan ang oras ng pagtuturo sa asignaturang Filipino ay nadagdagan ng 20 minuto mula baitang I-III at 60 minuto naman sa baitang IV-VI hanggang sekundarya.
2.   Kapaligiran ng paaralan.

·        Magkadaragdag sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang may maayos na kapaligiran sa lugar na kanilang pinag-aaralan gayundin sa mga guro sa kanilang pagtuturo kung kaya’t nararapat na magkaroon ng maayos,malinis, maliwanag,maganda at maaliwalas na kapaligiran sa isang paaralan.
3.   Kakulangan sa  kaalaman sa mga makabagong pamamaraan o istratehiyang pampagtuturo.

·        Makatutulong ang pagdalo ng mga guro sa mga seminar-worksyap na ibinibigay ng KWF o anumang samahang nagtataguyod ng wikang Filipino upang mas lalong madagdagan ang kanilang kaalaman hinggil sa makabagong pamamaraan o estratehiyang pampagtuturo.
·        Makakatulong din ang palagiang pagbabasa ng mga aklat, magasin o anumang babasahin na may kinalaman sa pagtuturo ng wika at panitikan.
4.   Kakulangan sa mga makabagong kagamitang pampagtuturo.

·        Ang tagapamahala ng paaralan ay maaaring makatulong sa paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo ng mga guro kabilang na ang paggamit ng kompyuter sa modernong pagtuturo.
·        Paglaanan ng tagapamahala ng paaralan at maging ng guro ang mga kagamitang pampagtuturo upang magkaroon ng makabago at epektibong pagtuturo sa wika at pantikan.
·        Maaari ding gumawa ang guro ng batid niyang mga kagamitang pampagtuturo bago pa lamang magsimula ang pasukan.
5.   Kawalan ng interes ng mga mag- aaral dahil sa pagdating ng mga makabagong kagamitan na  mas pinagkakaabalahan ng mga mag- aaral.(cellphone, computer,atbp.)

·        Umisip ng mga teknik o estratehiya na makahihikayat sa mga mag-aaral na makuha ang kanilang atensyon habang nagtuturo ang guro sa wika at panitikan katulad ng pagbabawal sa pagpapadala ng kanilang cellphone o anumang gadgets sa pagpasok sa paaralan o pagbabawal na paggamit nito habang nagtuturo ang kanilang guro.
·        Bigyan ang mga mag-aaral ng mga takdang-aralin na maaaring hindi gagamitin ang kompyuter upang mapigilan ang pagkahumaling nila dito, gamitin ang silid-aralan sa paghanap ng kasagutan sa kanilang mga gawaing-bahay.
·        Bigyan ng gantimpala ang mag-aaral na susunod sa mga panuto ng guro.
6.   Kakulangan sa bokabularyong Filipino/Tagalog.

·        Makatutulong ang madalas na pagbabasa ng mga diksyunaryong Filipino upang lalong madagdagan ang bokabularyong Filipino/Tagalog.
7.   Pagdating ng mga makabagong salita na wala naman sa diksyunaryong Filipino.(jejemon at bekemon)

·        Sanayin/hikayatin ang mga mag-aaral na bumigkas o gamitin ang mga wastong pananalita sa kanilang araw-araw na pakikipagtalastasan lalo na kung nasa loob ng paaralan.
·        Bigyan ng gantimpala ang mga mag-aaral na susunod sa panuto ng guro at bigyan ng magaan n parusa ang mga mag-aaral (hal. multa kung makariringgan ng pagsasalita ng mga jejemon o bekimon na salita sa loob at labas ng silid-aralan.
8.   Ang mahinang kakayahan  ng mga mag-aaral sa pakikinig.
·        Mahahasa ang mga kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikinig kung mas bibigyan ng guro ng mga pagsasanay ang mga mag-aaral hinggil dito (pakikinig).
9.   Ang kawalan ng interes ng mga mag- aaral sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan.

·        Gumamit ng iba’t ibang estratehiya o pagdulog  sa pagtuturo ng akdang Pilipino upang makapukaw sa interes ng mga mag-aaral na basahin ang mga ito.
·        Gumamit ng multimedia sa pagtuturo ng mga akda (vcd,dvd etc.) o maging ang kompyuter katulad ng powerpoint presentation upang mas higit na mahikayat ang mga mag-aaral sa pagbabasa o pag-aaral ng mga akda.
·        Gamitin ang masining na paraan ng pagtatanong sa talakayan upang maturuang mag-isip at mahikayat na basahin ng mga mag-aaral ang akdang binabasa.
10.          Kamalayang makadayuhan  ( colonial mentality  )

·        Magkaroon ng mga patakaran sa loob ng silid-aralan ang guro sa wika at panitikan upang maiwasan ang kolonisado ng isip ng mga mag-aaral lalo na sa paraan ng kanilang pakikipagtalasatasan.
·        Higit na hikayatin silang gamitin ang sariling wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gantimpala sa mga mag-aaral.
11.           Miskonsepsyon sa gamit ng wika

·        Ituro sa mga mag-aaral ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagsasanay ayon sa gamit ng wika makatutulong ito upang maunawaan ng mga mag-aarala ng wastong gamit ng isang wika.
12. Pagbibigay ng higit na pansin at halaga sa Wikang Ingles ( oras , gawain , mga proyekto  )

·        Iwasan ang paggamit ng wikang Ingles (guro-mag-aaral) sa loob ng klase ng Filipino.
·        Magbigay ng insentibo sa mga mag-aaral na gumagamit ng wikang Filipino sa talakayan sa klase at bigyan ng magaang parusa ang gumagamit ng wikang Ingles sa mga talakayan sa klase ng Filipino.
·        Magbigay ng mga proyekto na mas magpapahalaga sa wikang Filipino at Panitikan.
13.         Obsesyon ng guro at mga mag-aaral  na makamit ang bentahe  sa kahusayan sa wikang Ingles bilang tanging instrumento ng pandaigdigang kompetisyon.

·        Bilang guro ng wikang Filipino at Panitikan, kinakailangang mas pahalagahan ang wikang itinuturo kung kaya’t dapat na kakitaan ito ng kasigasigan sa pagtuturo ng wikang Filipino.
14.           Kakulangan ng kaalaman ng guro sa mga teknik o estratehiya sa larangan ng  pagtuturo ng pagsulat.
·        Makatutulong ang pagbabasa, pagdalo sa mga seminar-worksyap hinggil sa pagsulat upang sa gayon ay lumawak pa ang kaalaman sa pagtuturo ng pagsulat.
15.       Kakulangan sa kaalaman ng guro sa istrukturang gramatikal (pagbabaybay,gamit ng iba’t ibang bahagi ng pananalita atbp.)
·        Dumalo sa mga seminar-worksyap hinggil sa suliraning ito.
·        Makatutulong ang internet sa pagdaragdag ng kaalaman ng guro pagdating sa pagtuturo ng istruktura ng gramatika.
16.       Di-lubusang paglinang sa kahusayang magamit ang  wikang Filipino sa pagtuturo.
·        Mas makabubuting iwasan ng guro ang pagsasalita ng wikang Ingles sa loob ng silid-aralan ng sa gayon ay maging modelo siya ng kanyang mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino sa pakikipagtalastasan (tag-lish na sistema na pakikipagtalastasan)

17.       Hindi sapat na kaalaman sa pag-unawa ng iba’t ibang pagdulog sa pagtuturo ng akdang pampanitikan.
·        Makatutulong ang pagbabasa,pananaliksik,paggamit ng mga aklat at paggamit din ng internet sa pagpapalawig ng kaalaman sa paggamit ng mga pagdulog pampanitikan.
·        Higit na suriing mabuti,basahin ng may pag-unawa,kunin ang pangunahing kaisipan ng mga akda upang malaman kung anong pagdulog ang maaaring gamitin sa nasabing akda.
18.       Hirap sa pagtuturo ng mga matatalinghagang salita/pahayag ang guro at mag-aaral.
·        Iaplay ang kolaboratibong pagtuturo kung saan ang bawat mag-aaral ay magkakaroon ng ugnayan upang magbahagi ng kanilang nalalaman sa mga matatalinghagang pahayag.
·        Sa parte ng guro mas makabubuting magkaroon ng oras at panahon sa pagbabasa, paggamit ng internet at aklat upang maunawaan ang ituturong matatalinghagang pahayag.
·        Maging mapanuring mambabasa.
19.       Kakulangan ng  kaalaman ng guro  sa paggamit ng mga awtentikong kagamitan sa pag-ases sa kaalaman ng mga mag-aaral.
·        Pananaliksik ang unang paraan upang malaman kung ano-ano ang mga awtentikong kagamitan na maaaring gamitin sa pag-ases sa kaalaman ng mga mag-aaral
·        Pag-aralang mabuti ang awtentikong kagamitan ang maaaring akmang gamitin sa paksang-aralin na tinalakay
20.       Hindi nagiging sensitibo ang guro sa suliraning pangwika na matatagpuan sa mga aklat,materyal at maging sa kanyang pananalita na nakapagpapahirap sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa wika at panitikang Filipino.
·        Maging sensitibo higit sa lahat.
·        Dapat ang guro ay mulat din sa lahat ng pagbabagong nagaganap sa kapaligiran lalo na sa larangan ng wika at panitikan upang sunod sa bagong estratehiya/teknik sa pagtuturo ng wika na makatutulong sa mga mag-aaral.
·        Gumamit lamang ang guro ng mga pananalitang talos sa isip ng kanyang mag-aaral. Dapat ding ibagay nito ang mga salitang kanyang gagamitin sa lebel ng isip ng mga mag-aaral  habang nagtuturo ng wika at panitikan upang makamit mga ito  ang pagkatuto sa itinuturo ng guro.










1 komento:

Ano ang saloobin mo sa nabasang mong lathala sa blogsite na ito?