Ang epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.
Sa mahigpit na kahulugang pampanitikan, ang epiko (may titik o sa huli, isang pandiwa) ay isang paglalahad na makabayani o bumabayani, samantalang ang epika (may titik a sa huli, isang pangngalang) ay tulang-bayani, paglalahad na patula hinggil sa bayani.
May mga epikong binibigkas at mayroong inaawit.
B. Kasaysayan
May mga aklat nang nalathala tungkol sa ibang mga anyo ng panitikang pagbigkas, tulad ng mga bugtong, salawikain, awit, pabula, alamat at mito. Ngunit wala pang puspusang pag-aaral tungkol sa mga epiko, ang pinakamataas na anyo ng panitikang pabigkas. At mahalaga ang mga epiko di lamang bilang panitikan: ang mga ito’y makabuluhang dokumento rin ng ating lipunan bago pa dumating ang pananampalatayang Muslim at Kristiyano. May maidadagdag sila sa kakaunting tiyak na kaalaman natin tungkol sa sinaunang panahon ng pambansang kasaysayan. Bukod dito, ang mga tekstong orihinal ay magagamit ding sanggunian ng mga lingguwista para sa mga namamatay nang mga wikain.
May mga epikong walang tekstong orihinal, tulad ng Handiong
ng Bikol, na bagamat siyang pinakaunang naitala (bago pa taong 1867),
ay nakasulat naman sa Kastila. Gayundin, ang Darangen ng mga Maranao ay
nasa sa Ingles, ang Indarapatra at Sulayman ng Magindanao ay nasa sa
Ingles, at ang bersyong ito’y pinag-aalinlangan pa ng kilalang iskolar
na si E. Arsenio Manuel.
Mayroong pangkahalatang katangian ng bawat epiko:
-
Karamihan sa mga epiko ay may pamagat na nangangahulugan ng awit o himig o pag-aawit o pagsasahimig, tulad ng Hudhud ng mga Ifugao, Guman ng mga Suban-on, Darangen ng mga Magindanao at Maranao, Diawot ng mga Mansaka, Owaging, Ulaging, Ulahingon, Ulahingan, ng mga Manobo (ang huling apat ay iba-ibang anyo lamang ng iisang salita). Kung kaya nga’t natitiyak natin na ang mga epiko’y sadyang inaawit at ang anyo nila ay umaayon sa panitikang pabigkas. Maraming mga elementong tulad ng indayog (cadence) at timbang (symmetry), paralelismo, aliterasyon, pag-uulit ng mga batayang salita, o mga tugma, na nakatutulong sa mang-aawit o manghihimig upang maalaala niya ang mga taludtod.
-
Lahat ng mga epiko’y may kayariang en palier, alalaong baga’y ang pagkakasunod-sunod ng mga episodyo. Kaugnay sa mga elementong nabanggit sa itaas ang kayariang ito, na makikita di lamang sa mga taludtod kundi sa mga episodyo na rin. May mga pag-uulit ng tagpo: ang pag-aalok ng hitso, pagbibihis, pagdiriwang sa mga kasalan. May paralelismo din naman ng mga episodyo, tulad ng: kakalabanin ni Aliguyon si Pumbakhayon, makikilala niya ang kapatid nito; mamamatay si Sandayo at hahanapin siya ng kanyang kasintahan, mamatay ang kasintahan at hahanapin siya ni Sandayo.Pagkatapos ng bawat episodyo, lalo lamang nagiging kagila-gilalas ang bida. Ang pananalo niya sa digmaang nagpapanaig sa tribo ang kanyang pinakamahalagang gawain (o di kaya ang katangian niyang bilang mandirigma). Kaya naman maaaring ipalagay na ang bida ng ating mga epiko ay isang bayani ng kasaysayan ng alamat, tulad ng bayani sa Chanson de Roland ng Pransiya, El Cid ng Espanya, Beowulf ng Inglatera o Nibelungen ng Alemanya. Ngunit, di tulad ng mga bidang taga-Europa na sumasapit sa hantungang kalunos-lunos, namamatay ang ating mga bida ngunit nabubuhay silang muli. Malinaw ang optimismo ng ating mga epiko.
-
Sa mga epiko’y karaniwang natutunghayan ang kahiwagaan: mga diwata o anito at mga mabubuting espiritu. Gayundin ang mga elemento, lalo na ang hangin, ang mga hayop at mga bungang-kahoy, lalo na ang nganga, at iba pang bagay na may mahiwagang kapangyarihan ang tumutulong sa bida upang maisakatuparan niya ang kanyang mga di-pangkaraniwang gawain. Dito ang panahon at lunan ay hindi lang sa atin kundi yaong umaayon sa nakamamanghang daigdig ng bayani ng epiko.Pinatutunayan ng unang tatlong katangiang nabanggit ang hinahap na ginagamit noon ang epiko upang malibang ang isang lipunang walang radio o telebisyon at walang mga superhero ng pelikula, tulad nina Superman, Wonder Woman o James Bond.
-
Sa kabilang dako, inilalarawan ng mga epiko ang mga lipunang lumikha sa kanila. Sinasalamin nila ang isang lipunang pantribo, bago dumating ang mga Muslim (1380) at mga Kastila (1521). Kasangkapan ang mga epiko sa paglilipat sa susunod na salinlahi ng mg sinaunang kaugalian at karunungang pantribo, tulad ng tamang pamamahala sa ugnayan ng iba’t-ibang antas ng lipunan at ng mga magkakamag-anak; ang tamang paraan ng panunuyo at ng pagwawakas ng mga kasalanan. Nagbibigay din ang mga epiko ng mahalagang kabatiran tungkol sa pamamahay, pananamit at pati sa pagsisilang o panganganak, na kailangang-kailangan para mabuhay at sumagana ang tribo.Sa higit na mataas na antas, minumungkahi ng Aliguyon ang pag-iisang dibdib ng mga kasapi ng mga magkakaaway na tribo bilang kalutasan sa sinaunang tradisyon ng mga digmaan ng walang-katapusang paghihigantihan na umuubos sa pinakamagagaling na mandirigmang Ifugao. Pinaaalab naman ng Lam-ang ang damdamin ng mga Ilokano at hinihikayat silang ipagtanggol ang kanilang tribo sa mga Igorot. Sa Agyu, ang paglalarawan ng isang utopya ang nagbibigay ng lakas sa mga Manobo na lagi na lamang naglalagalag at pakaunti na nang pakaunti, na balang araw ay mararating din nila ang Nalandangan, tulad ng bayani ng kanilang epiko.
-
Isa pa ring katangiang mapapansin sa mga epiko ang pagkakaroon nila ng maraming bersiyon at ang pagdami ng kanilang mga episodyo. Mauugat ang una sa tradisyong pabigkas ng mga epiko. Sa pagdaraan ng mga araw at ng mga salinlahi, nalilimutan ng isang mang-aawit o manghihimig ang ilang mga detalye, at kung minsa’y ang mga episodyo na rin ng epiko. Sa ganitong pangyayari, kailangang lumikha siya ng ibang mga detalye o episodyo. Kaya naman, may limang kilalang bersiyon ang Lam-ang at ang ilang bersiyon nito’y may mga episodyong wala sa iba. Sa limang bersiyon, nagbabago-bago ang pangalan ng mga tao, bagamat iyon din ang pangalan ng bida at ang kanyang pakikipagsapalaran.Sa kabilang dako, ang pagdami ng mga episodyo, ay maaaring maugat sa pagnanais ng taong makarinig ng iba’t-ibang makukulay na pangyayari. Dapat tandaan na inuulit-ulit ang epiko sa iyo’t iyon ding mga tagapakinig na noon at ngayo’y laging naghahanap ng naiiba. Kaya nga’t kailangan ang mga bagong episodyo at pati na mga bagong tauhang karaniwang may kaugnayan sa bida. Sa gayo’y nagiging siklo ang mga epiko, tulad ng epikong Agyu na nagkasanga-sanga at sumasaklaw sa iba pang epiko ng lahat ng mga kamag-anak ni Agyu: si Tagyakawa, ang asawa niya; sina Nebeyew, Kumulat-ey at Impahimbang, ang tatlo sa kanyang mga anak na lalake; sina Lena at Banlak, ang mga kapatid niyang lalake; sina Yambungan at Tabagka, mga kapatid niyang babae; at sina Tulelangan at Bete’ey, ang kanyang mga pinsan. Kapatid naman ni Labaw Donggon si Humadapnen.Upang maging magaan, kawili-wili at di-gaanong nakapapagod ang pagbabasa ng epiko, pinutulan ang mga mahahabang epiko. Sa pagpapaigsing ito, inalis ang mga episodyong hindi napapaloob sa pangunahing daloy ng kuwento.Sinikap ipaliwanag ang mga epikong Pilipino sa kanilang katangian (pabigkas) at sa kanilang mga tungkulin (ang panatilihing buhay at mariwasa ang tribo at ang paglilibang nito). Inaasahang makatutulong ang bagong lapit na ito sa pagkakaroon ng lalong maalab na pagpapahalaga ng mga Pilipino, ng mga bansang ASEAN at mga iba pang bansa, sa mga epiko natin.

Paunawa po ang ilan pong impormasyon dito ay hindi ko pag mamay-ari..gumamit po ako ng internet sa pananaliksik.
TumugonBurahinSalamat po sa ideya niyo... Malaking tulong na po ito..
TumugonBurahin