Sabado, Marso 30, 2013

KATHA #3: SA AKING SINISINTA

Sa Aking Sinisinta

Kapag tinitigan kay parang isang pinggang porselana
Na kumikinang sa linis at ganda
Kaya’t dapat sa iyo’y tunay na pag-aalaga
Upang kagandahan mo’y hindi na kumupas pa.

O,Mahal ko sa aki’y ibigay matamis mong “Oo”
At ng maranasan mo ay pag-ibig kong totoo
Lahat ay ibibigay sagutin mo lamang ako,
Bituin sa langit aking susungkitin
Makamtan ko lamang matamis mong pag-ibig.

Kahit ipahuli mo mabangis na leon
Aking gagawin pagkat minamahal kita
Sana’y isang araw ay ibigay mo
pinakahihintay kong sagot mong  “Oo”

Kapag ikaw ay umibig
Magsuri munang mabuti upang kabiguan ay hindi kamtin
Nang pusong sabik ay di maghinagpis at hindi masambit
Pag-umibig ay minsan lamang at hindi na mauulit.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ano ang saloobin mo sa nabasang mong lathala sa blogsite na ito?