KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG KORIDONG IBONG ADARNA
TULANG ROMANSA
PAGHAHAMBING NG AWIT AT KORIDO
- Ang AWIT at KORIDO ay dala ng mga Kastila buhat sa Europa.
- Ayon sa isang kritiko, ang kasaysayan ng “Ibong Adarna” ay maaaring hango sa mga kuwentong bayan ng iba’t ibang bansa tulad ng Germany, Denmark, Romania, Austria, Finlad, at Indonesia.
- Mayroon ang “Ibong Adarnang” motif at cycle na matatagpuan sa mga kwentong bayan:
- May pagkakahawig ang “Ibong Adarna” sa kasaysayan:
- Mula ito sa Kwentong “Scala Celi”. Kinalap ng isang paring Dominiko, na sinasabing katha noong pang 1300.
Iba pang kahawig na kuwento. . .
2. Mula sa Denmark(1696).
-Nagkasakit si Haring Eduardo ng England at ang lunas ay ang ibong Phoenix na pag-aari ng reyna ng Arabia. Sa huli, napangasawa ng bunsong prinsipe ang reynang ito.
3. Mula sa Malayo-Polinesia,sinulat ni Renward Branstetter.
-May mga bahagi ito na kahawig ng Ibong Adarna, tulad ng tungkol sa “Halaman ng buhay” na pinaghahanap ng marami. Ang pangunahing tauhan, si Djajalankara ay may dalawang kapatid na naglilo upang siraan siya sa amang maysakit.
Ano naman ang ibig sabihin ng Tulang Romansa?
TULANG ROMANSA
- ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan.
-Ang mga tauhan ay pawang napapabilang sa kaharian tulad ng prinsipe, prinsesa,hari, reyna at ilang dugong bughaw.
-Naging palasak sa Europa,at maaring nakarating sa Pilipinas mula sa Mexico noon pang 1610.
-Ang palasak na halimbawa ng tulang romansa ay ang Koridong Ibong Adarna at Awit na Florante at Laura ni Francisco Baltazar.
PAGHAHAMBING SA AWIT AT KORIDO
|
AWIT
(sadyang para awitin)
|
Korido
(sadyang para basahin)
|
SUKAT
|
Tig-12 pantig ang bawat taludto
|
Tig-8 pantig ang bawat taludtod
|
HIMIG
|
Mabagal, banayad, o andante
|
Mabilis o allegro
|
PAGKAMAKATOTOHANAN
|
Ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay maaaring maganap sa tunay na buhay.
|
Ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay maaaring sa tunay na buhay.
|
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Ano ang saloobin mo sa nabasang mong lathala sa blogsite na ito?