Sabado, Marso 30, 2013

Daigdig Ating Iligtas!

Samut-saring gulo sa’ting daigdig ay nangyayari
Bawat bansa ay hindi nagkakaunawaan, sapagkat ang bawat lider ay hindi
Maunawaan kanilang gusto sa kanilang nasasakupan
Kung kaya’t gulo ay di maiwasan.

Global warming ay unti-unti ng nararanasan sa ating daigdig
Na kung hindi malulunasan tayo din lamang ang magsasakripisyo
Kapag lumalala ang problemang ito, isang araw tayo ay hindi na magmulat sa dating mundong ating kinalimutan.

Political crisis sa bawat bansa ay laganap, lalo’t higit dito sa ating bansa
Bawat lider ay may kanya-kanyang ideolohiya kung papaano ang
bansa ay mapapatakbo.

Subalit sa halip na may magandang resultang maramdaman, ay kaguluhan lang ang nararanasan.
Hanggang kalian natin mararanasan ang mga kaguluhang ito
Tayo’y tao din na nagnanais ng katiwasayan at Kapayapaan
Bakit hindi tayo magkaisa ng ating daigdig ay ating mailigtas sa
pagbagsak nito tayo ang magsasakripisyo.

Kung kaya’t halina’t magsama-sama tayo
Nasang sulok ka man ng mundo
Pilipino man o Amerikano
Halina’t magkaisa, sama-sama nating sagipin an gating daigdig sa
pagkalugmok
Atin siyang hanguin upang tayo ay sama-samang maligtas at
makinabang sa katahimikan,
Kaayusan at Kapayapaan ng ating daigdig.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ano ang saloobin mo sa nabasang mong lathala sa blogsite na ito?