Sabado, Marso 30, 2013

KATHA #2: IKAW ANG PANAGINIP

Ikaw ang Panaginip

Magmula ng ika’y aking makilala
Umagat gabi man lagi kitang naalala
Damdamin kong puno ng pag-asa
Na baling-araw ika’y makapiling na.

Tuwing magkikita tayong dalawa
Mga mata ko’y pasulyap-sulyap pa
Puso ko’y tumitibok kapag iyong tinitigan na
Ako’y sabik sa pag-ibig mo sinta.

Ngunit ako’y nalulungkot kapag aking naalala,
Mga pumipigil sa ating pagsasama
Ikaw ay may kaya at ako nama’y isang dukha

Sana’y dumating araw aking sinta
Pag-ibig ko sayo’y maipagtapat na
Nang panghabambuhay tayo’y magkasama
at walang pangambang iniisip pa,
Magsasama tayong maligayang-maligaya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ano ang saloobin mo sa nabasang mong lathala sa blogsite na ito?