Ang Tulang Romansa sa Europa at sa Pilipinas
Sa Europa
Ang Ibong Adarna ay isang tulang romansa (metrical romance). Ito ay kathang-isip na
tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran o abentura ng mga bayani na karaniwang
dugong bughaw tulad ng prinsipe at prinsesa.
Naiiba ito sa epiko na tungkol din sa kabayanihan at abentura ng pangunahing
tauhan. Ang salaysay sa tulang romansa ay may halong kulay at damdamin ng romansa.
Bago pa dumating ang Edad Media (Middle Age), naging paborito na ng madla sa
kontinente ng Europa ang mga salaysay ng abentura at kabayanihan. Lalo pa nang ihawig
ito sa kasaysayan o sa malalaking pangyayari noon. Sa mga panahong iyon, malawak na
ang interes ng kababaihan sa panitikan at likas na ang pagkagusto nilang makabasa ng
mga akda tungkol sa pag-ibig. Ang tulang romansa na dati’y nasa wikang Pranses lamang
o sa ibang diyalekto ng Latin ay nakarating din sa Inglatera.
Balada (ballad) ang ugat ng tulang romansa. Ang balada ay isang maikling tulang
pasalaysay na karaniwang nakaugnay sa alamat o kwentong-bayan. Kasabay ng pag-usbong
ng pananalig sa Kristiyanismo sa buong Europa, lalo na ng debosyon kay Birheng Maria,
sumikat ang tulang romansa. Sa tulang ito, ang debosyon ay patungkol naman sa isang
babae, dugong bughaw, maaaring asawa ng hari o panginoon. Idinaraan ito sa isang ritwal
sa korte ng kaharian, tulad ng ginawa ng mga Trubador sa Provence, isang lalawigan sa
Pransya. Bumibigkas ng mga tulang liriko ang isang kabalyero (knight). Sinasabi sa tula
na walang pasubali ang pagsunod ng kabalyero sa ipinag-uutos ng kanyang reyna o dama
bilang patunay ng kanyang katapatan dito. Mula roon, kumalat na ang ganitong pagbigkas
hanggang sa makarating din sa Inglatera. Dahil ang orihinal ng mga tulang lirikong ito
ay nasa wikang Pranses, nagkaroon ito ng bersyon sa mga wikang Ingles, Espanyol, at iba
pang wika ng karaniwang mamamayan.
Sumikat naman ang tulang romansa sa Espanya sa panahon ng mga haring Katoliko.
Naluklok sa trono sina Haring Fernando at Reyna Isabel ng Espanya noong 1479 hanggang
sa paghalili ng anak nilang si Haring Carlos noong 1519. Ito ang panahong naitaboy na
ng mag-asawa sa probinsya ng Granada ang mga Moro. Noon ay hindi na tanyag ang
mga anyo ng tulang villancicos, juglares, at cantares de gesta. Ang panitikan ay hindi na
lamang pandugong bughaw kundi pangmadla na rin. Ang tulang romansa ay lumaganap
sa karaniwang mamamayan.
Sa Pilipinas
Naging dalawa ang anyo ng tulang romansa nang maging popular ito sa Pilipinas—
ang awit at ang korido. Hanggang ngayon ay wala pang pag-aaral na nakasisiguro kung
kailan at paano ito nakarating sa kapuluan, gayundin kung paano ito nagkaroon ng
pagkakaiba. May nagsasabing galing ito sa Mehiko na gumamit ng salitang korido na
balbal ng ocurrido (nangyari) na salitang Espanyol. Sa totoo, may dumarating noon sa
Pilipinas na buletin o opisyal na pabalita ng pamahalaan ng Mehiko, ang corridos.
Ngunit sa tradisyon ng panitikang Pilipino, lahat ng mahahabang tulang pasalaysay
ay itinatanghal o binibigkas nang pakanta. Dahil ang ugat naman ng tulang romansa ay
balada na nilikha para kantahin, nawala na ang pagkakaiba ng dalawang anyo ng tulang
romansa. Ang awit ay itinuturing na korido at ang korido ay tinatawag na awit. Totoo ito
sa mga awit at korido ng Pangasinan, Ilocos, at Iloilo. Sa Katagalugan lamang pinag-iiba
ang awit at ang korido.
Nagkakatulad ang awit at ang korido sa dalawang bagay. Parehong pakanta ang bigkas
o basa ng mga ito; parehong aapating linya (quatrain) ang berso sa bawat saknong.
Gayunman, ang mga historyador ng panitikan ng Pilipinas ay gumawa ng mga
batayan ng pagkakaiba ng dalawang anyong ito ng tulang romansa.
Ang Pagkakaiba ng Awit at ng Korido
Narito ang katangian ng isang korido:
1. Ang sukat ng bawat linya sa isang saknong ay wawaluhing pantig
2. Mabilis ang pag-awit o pagbigkas nito tulad sa mabilis na pagsasalaysay
3. Ang paksa ay alamat at pantasya, may kapangyarihang supernatural ang tauhan kung minsan
4. May malalim na damdaming relihiyoso
Ang awit naman ay may ganitong katangian:
1. Ang sukat ng bawat saknong ay lalabindalawahing pantig
2. Mabagal ang pagbigkas o pag-awit nito kaya madamdamin
3. Higit itong makatotohanan dahil ang paksa ay malapit sa kasaysayan
4. Higit na buhay at masigla ang damdamin nito
Mga Halimbawa ng Tulang Romansa sa Pilipinas
Katulad ng nabanggit, maliban sa mga Tagalog ay magkakatulad ang mga paksa,
estilo, at kilos ng awit at korido sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas. Ngunit sa pangkalahatan,
mapapangkat sa tatlo ang saklaw ng mga paksa ng tulang romansa:
1. Mga salaysay tungkol kay Carlo Magno (Charlemagne) at mga tauhan nito
2. Mga salaysay hinggil sa Tabla Redonda (Round Table) ni Haring Arthur
3. Mga salaysay tungkol sa pagbagsak ng Troy mula sa kasaysayan ng Gresya at ng Roma
Bukod pa rito, maraming awit at korido ang hinango naman sa mga alamat,
kwentong-bayan, buhay ng mga santo, at salaysay mula sa Bibliya.
Ayon kay Dr. Damiana Eugenio, isang iskolar ng folklore, ang halimbawa ng awit
ay ang Doce Pares, Rodrigo de Villa, at Tanyag na Kasaysayan ni Bernardo Carpio (ni Jose
de la Cruz o Huseng Sisiw); Florante at Laura (ni Francisco Balagtas); Dama Ines at
Prinsipe Florinio (ni Ananias Zorilla); Tablante de Ricamonte (panahon ni Haring Arthur);
at Prinsipe Paris (panahon ng Troy). Idinagdag pa ni Eugenio ang Prinsesa Florentina
bilang halimbawa ng korido bukod sa Ibong Adarna.
Ang Ibong Adarna sa Iba’t Ibang Bahagi ng Mundo
Walang bansang matutukoy na pinagmulan ng tulang romansang ito. Sinasabi
lamang na may mga pagkakahawig ang mga tauhan at pangyayari sa mga salaysay nito.
Lumitaw ang anyong ito ng panitikan sa mga bansa ng Europa, Gitnang Silangan, at
maging sa Asya. Ang pagkakatulad naman nito sa mga pinagmulang bansa ay ang mga
sumusunod:
1. Pare-parehong may sakit ang hari at kailangan nito ng lunas o gamot (Denmark at
Alemanya)
2. Ang lunas ay maaaring tubig, halaman ng buhay, o awit ng isang ibon (Alemanya at
Gitnang Silangan)
3. Karaniwang ang naghahanap ng lunas ay magkakapatid na prinsipe at ang bunso ang
laging sinuswerte (Alemanya at Indonesia)
4. Laging nakapag-aasawa ng prinsesa ang nagtatagumpay sa paghanap ng lunas
(Denmark at Alemanya)

3. Ang paksa ay alamat at pantasya, may kapangyarihang supernatural ang tauhan kung
minsan
4. May malalim na damdaming relihiyoso
Ang awit naman ay may ganitong katangian:
1. Ang sukat ng bawat saknong ay lalabindalawahing pantig
2. Mabagal ang pagbigkas o pag-awit nito kaya madamdamin
3. Higit itong makatotohanan dahil ang paksa ay malapit sa kasaysayan
4. Higit na buhay at masigla ang damdamin nito
Mga Halimbawa ng Tulang Romansa sa Pilipinas
Katulad ng nabanggit, maliban sa mga Tagalog ay magkakatulad ang mga paksa,
estilo, at kilos ng awit at korido sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas. Ngunit sa pangkalahatan,
mapapangkat sa tatlo ang saklaw ng mga paksa ng tulang romansa:
1. Mga salaysay tungkol kay Carlo Magno (Charlemagne) at mga tauhan nito
2. Mga salaysay hinggil sa Tabla Redonda (Round Table) ni Haring Arthur
3. Mga salaysay tungkol sa pagbagsak ng Troy mula sa kasaysayan ng Gresya at ng
Roma